Kung may Sampung Utos, meron ding Sampung Reklamo ang mga Marino. Hindi kompleto ang pagbabarko mo kung wala kang maririnig na reklamo habang binubuo ang iyong kontrata. Mula sa pinakabata hanggang sa mga hindi na gaanong bata, samo’t-saring mga hinaing ang iyong maririnig.
Sa dinami-dami ng mga reklamo na to, masarap pa rin bang magbarko? Alamin muna natin kung anu-ano ang nirereklamo ni Dudong Seaman!
10. Mga Kasamang Hindi Naliligo (ng Mahigit ‘Sang Linggo!)
Ooops! Pigil muna ang hininga. Eto na marahil ang isa sa dahilan kung bakit pumuputok ang pasensya ng mga tropa natin sa barko. At dahil hindi naliligo ang ibang mga crewmate natin, sobrang putok na putok naman talaga at umaalingasaw sa kapaligiran ang kanilang amoy lalo pag makatabi mo siya o sila sa meeting or worse, sa kainan. Dadaan sa alleyway naiiwan pa ang langsa.
Magtataka ka ehh libre naman ang sabon at tubig pero bakit ganun?
9. Alon (Hindi Alone)
Lahat ng tropa masaya kapag patag ang karagatan at maganda ang panahon. Tila hindi mo iisiping susungit ang dagat pagkalipas ng ilang araw dahil sa sobrang kalma nito.
Subalit, “Calm seas never make a great sailor”, ika nga. Dito makikita ang tibay ng iyong sikmura kapag tumatakbo-takbo na ang mga gamit mo sa kabina at hindi ka makatayo ng maayos dahil sa gulong.
Dito mo rin maririnig ang mga kwento na, “hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa alon na yan!” Yung iba, hindi na nakakakain. ‘Bat kapa kakain ehh isusuka mo lang din naman, diba?
Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang mga matatamis na salitang, “Pre, pag-uwi ko, magnenegosyo na talaga ako (sabay suka).” Boom!
7. Kulang sa Pahinga. (Everyday Monday Bes)
May mga panahong napakasarap magbarko. Yun bang 8 to 5 lang trabaho natin at walang overtime. Regular working days. Sabado half day at sa Linggo and any holidays ay pahinga. Oo, me mga araw na ganoon.
Masarap diba?
Wala naman sigurong nagrereklamo pag sakto o sobra-sobra ang pahinga. Pero paano kung biglang naging dikit-dikit ang byahe? Yung tipong wala pang isang araw ang pagitan ng puerto. May tank cleaning o maghuhugas pa ng bodega.
Tapos direct berthing with pilot on arrival on a nice Saturday noon. Shifting during evening. Bunkering sa next berth at 3am habang nagloloading. Departure na naman Sunday 12 noon and arrival sa next port after 7 hours (hindi 70 hours). At inalon pa kayo sa pitong oras na yun.
Rinse and repeat the voyage. Jusmio!
Expect mo na na yung ibang kasama mo na mababait ay nagiging iritable at ung mga masusungit at suplado ay lalong naging mainitin ang ulo. Eh yung mga dati nang malakas magreklamo? Pero hindi naman lahat.
7. Trainings (Kelangan pa bang I-explain yan?)
Dahil sa pag-boom ng maritime industry, naging sentro ng manpower ang Pilipinas sa international shipping business. Kaakibat nito ay ang pag-boom din ng napakaraming trainings na kumakain sa bakasyon at pera natin.
Sino ba ang hindi apektado nung biglang nagkaroon ng expiry dates ang mga certificates at nag-retake ng trainings si Dudong Seaman dahil me bago daw na regulasyon. Pero pansin mo? Pangalan lang ng course ang binago pero nagbayad pa rin tayo ng buo. Ayay!
6. Magulang sa Trabaho (Batu-bato sa Langit)
Likas na sa mga Pilipino ang masipag sa trabaho. Kaya nga tayo gustong i-hire ng mga foreign shipowners diba dahil hardworking tayo.
Subalit, ngunit, datapwat, hindi lahat. Dahil sa diverse at minsan ehh mahirap ang trabaho sa barko, merong iba na ayaw patulan ang mga mahihirap na gawain kahit na natapat ito sa gwardya nya. Tila nililihis ang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng ibang bagay na medyo magaan at magmaang-maangan na lamang.
Di kaya babagalan ang galaw upang makuha nya lamang ang “smaller share of the heavy load and let the next guys do it.”
Pero pansin nyo mga Pogi? Kadalasan, kung sino pa yung malakas magreklamo sa trabaho ay siya pa yung tunay na magulang. Ssshhhh!
5. Walang Christmas Bonus! (Wala talaga, as in wala!)
Nobyembre pa lang, inaabangan na ng mga trabahante ang 13th month pay na kung saan may bonus silang sahod pagdating ng Disyembre. Consider this as a Christmas gift from your company. Pera to pre, pera. Pero…
Si Dudong Seaman, kahit naka-sampung kontrata na, ay hindi pa nakakatanggap ng 13th month pay mula sa kumpanya nya. Wala talagang 13th month pay sa barko although me mga bonus in form of incentives (cash or stuffs).
Bakit? Bakit wala tayong 13th month pay?
Bonus na trabaho lang merong at marami.
4. Maliit na Sahod (Wehh di nga?)
Kapag nasa barko na, hindi maiwasan ang pagkukumparahan ng sahod. At kahit na kumikita ng libu-libo si Dudong Seaman, nakikita nya itong “maliit”. Kinikwento pa rin nya na maliit sahod at hindi kasya. Kelangan dagdagan pa ng kumpanya ang sweldo para mabuhay ng maayos ang pamilya.
Kung tutuusin, maliit ba talaga?
Malaki na ang bente-singko mil na sahod sa Pinas. Babawasan pa iyan ng tax. Ibu-budget pa yan sa transportation, pagkain, groceries, at iba pang bayarin.
Samantalang si Dudong Seaman, hindi na mamasahe papuntang trabaho. Hindi na bibili ng pagkain at groceries. Libre ang tubig at kuryente. At wala tayong tax! Sarap.
Tapos magrereklamo maliit lang sahod? Pastilan Dong!
3. Mahigpit na Medical (Lalo na yung…)
So yun nakapasa ka sa interview ng isang malaki at magandang kumpanya at excited ka dahil bukod sa malaki ang sahod, marami pa itong perks and benefits- AMOSUP, free trainings with allowance, free air fare, rejoining bonus, atbp.
Binigay mo ngayon ang lahat ng papeles mo at biglang pumasok sa iyong isipan kung ano ang medical clinic nila para sa mga crew.
Nung malaman mo na “Kuan Medical Center”, bigla kang kinabahan dahil alam mong sobrang super strict sila at marami kang naririnig na kwentu-kwento kung paano ang iba ay gumastos ng libu-libo para lang makapasa.
Bukod diyan, sabi pa ng mga kasama mo na marami talagang reklamo dun kasi dati, na inabot sila ng mahigit isang buwan pabalik-balik dun at inoperahana pa ang iba.
Paano nga ba ipasa ang medical exam?
At kungung ikaw ang nasa sitwasyon na ganyan, ano ang gagawin mo?
2. Exchange Rate (Cons‘Pera’Cy Theory)
Ito yung parang “Conspiracy Theory” kada allotment. Yun bang pagkatanggap ng pera ay iche-check agad ang palitan ng dolyar sa piso. Tapos sasabihin, “Anlaki ng binawas ng opisina. Ganito lang natanggap ko. Binawasan yata ng mahigit apat na Piso bawat dolyar.”
Shocks!
Tapos pag matagal dumating ang allotment, iniisip, “Pinahiram muna siguro ang allotment natin sa mga negosyante para pagkakitaan ng opisina.”
Another shocks!
Totoo kaya ‘to mga Pogi? Kasi eto ang madalas na naririnig kong reklamo sa iilang mga kumpanya.
At ang Numero Unong Reklamo ng mga Marino sa barko ay ang…. drumroll pleaaaase!!
1. Reklamo sa Luto ni Mayor. (Kahit gaanopayankasarap..)
“Anong klaseng spaghetti ‘to? May spaghetti bang matamis?”
“Okay sana ang ginawa nyang cake kaso kulang sa lasa.”
“Masarap yung adobo pero konti lang niluto nya.”
“Ang sarap ng kare-kare ni Mayor pero sobrang dami naman ginawa nya.”
Ang gulo noh? Ikaw na maglista sa iba Pre at kulangin ang isang buong bond paper. I mean, bawat kontrata, meron at meron talagang mga tao na hindi nakaka-appreciate sa effort ng taga-kusina kahit gaano pa kasarap ang mga pagkain na hinahanda nila.
Sa tingin ko, hindi naman lahat ng problema ay nasa kusina kundi sa mismong mga tao na walang alam kundi puro reklamo sa pagkain.
Okay lang naman na magreklamo kung makikita mo talaga na wala sa ayos ang pagkain pero kung bawat araw, linggo o kontrata ay palagi ka nalang ganoon, nasa sayo na yata ang problema.
Tapos pagdating sa Pinas sa KFC (Kalaw Food Court) lang kakain kung saan mas masarap at nasisigurado mong mas malinis pa ang mga inihahanda ni Mayor.
Tandaan. Ang kusina ay ang backbone ng barko.
P.S.
Hindi lang mga Pinoy ang mahilig magreklamo sa pagkain kundi ang ibang lahi din.
So balik tayo sa tanong sa taas. Masarap pa rin bang magbarko?
May the winds be in your favor.