Natapos mo na lahat ng trainings mo. Nakapagbakasyon ka sa Puerto Princesa kasama ang buong pamilya. Nakadalo kapa sa graduation ng iyong anak at nakabili ng bagong sasakyan. Ngayon kelangan mo nang bumalik sa barko upang magtrabaho at kumita ulit.

O di naman kaya, nasa gangway na ang iyong ka-relyebo. Binigay na ni Kapitan ang mga documents mo. Final wages, check. Itinerary, check. Pasalubong, check. At mga kagamitang nakulimbat o nabili sa iba’t ibang puerto,(big) check!

Pasampa man o pauwi na, dadaan at dadaan tayo sa immigration at airport security and baggage control maliban nalang kung hindi tayo sasakay ng eroplano.

Kaya dapat din nating malaman kung anu-ano ang mga items na allowed at hindi allowed sa check-in and hand carried baggage. And take note, may mga bagay na completely bawal sa loob ng airport at eroplano saang bagahe man ito ilagay.

Your baggage at the airport is scanned and checked for prohibited items.

Your baggage at the airport is scanned and checked for prohibited items.

 

Ito ang mga sumusunod.

 

Prohibited Items in your luggage

Items completely banned on any airport either check-in or hand carried baggage.

1. Corrosives: Gaya nang acid, mercury, wet cell batteries (with some exceptions) at ibang chemicals.

2. Explosives: Gunpowder, dynamite, grenades, fireworks, flares and other similar device. Ingat kung mag-uuwi kayo ng mga flares galing sa barko.

3. Flammable Items: Lighter fluids, gasoline, gas torches, paints, thinners and whatnot.

4. Gasses and pressurized containers: LGP, tear gas, oxygen tanks, aerosols (with exceptions), liquid nitrogen, pepper spray at self inflating rafts (wag ka nang mag-attempt Kabaro).

5. Infectious Materials: Medical laboratory specimens, viral organisms, bacterial cultures, etc.

6. Strong Magnets: Bakit? Una, nakakaapekto sa X-ray scanners, at pacemaker sa puso. Pangalawa, mahirap tanggalin pag dumikit. Pangatlo at ang pinaka-importante, ito rin ang dahilan kung bakit bawal magdala ng magnet sa bridge especially sa monkey island.

7. Marijuana (cannabis): This is illegal in most places. Kaya bawal!

8. Matches: Yung strike-anywhere na pospore bawal dahil sa vibration sa loob ng eroplano.

9. Oxidizers and Organic Peroxides: Can cause severe fire and explosion hazads. Halimbawa ay nitric acid, bleach, fertilizers, fiberglass repair kits, etc.

10. Poisons: Very obvious. Nakamamatay. Halimbawa, cyanides, arsenic, weed killers, pesticides, atbp.

11. Radioactive Materials: Mas lalo na to. Hindi mo pa ‘to natapos iempake malamang tigok kana.

 

Bakit ito mahalaga?

Mahilig mag-uwi si Dodong Seaman ng kung anu-ano mula sa barko. Minsan, ang isang maleta na dala nya pagsampa ay nagiging tatlo pagbaba! Ipapa-check in pa kay kadete ang isa dahil dalawa lang ang allowed. At kung anu-ano ang laman nito.

Not that I’m forbidding you pero baka may nalagay ka sa bagahe mo na bawal pala sa eroplano o airport. Isa iyang napakalaking abala especially if you only have a very short time para makahabol sa iyong connecting flights.

May the winds be in your favor.

%d bloggers like this: