Para makasampa ka ngayon, kailangan mo ng backer.
Isa sa pinakamahirap na parte sa career ng mga fresh graduates o mga gustong mag-barko ay ang pag-pasok sa isang kumpanya para makasakay. Tila malapit sa imposible na ma-hire ngayon kung wala kang kakilala sa loob.
Isipin mo, tatlong taon kang naghirap sa skwelahan subalit may mas mahirap at mas frustrating kapang mararanasan- ang pag-aapply ng walang backer.
Bakit nga ba kailangan ng backer para makapasok? Tila napaka-unfair naman diba kung sa tingin mo deserving ka both morally, physically and intellectually. Pero alamin natin kung may sense nga ba ang Backer System o sadyang ini-implement lamang ito para paboran ang ibang tao.
Ang pagkakaroon ng Backer System ay may pros and cons depende sa perspective at posisyon mo tungkol dito. Dalawang partido lang naman and directly na involved, ang nag-aapply at ang shipping o manning agency.
Himay-himayin natin ang mga positibo at negatibong epekto nito kasama ang dahilan kung bakit kailangan ng Backer para makasampa.
Competition.
Libu-libong estudyante ang guma-graduate taon-taon sa maritime industry dito sa Pinas. Nagkakaroon ng imbalance sa supply at demand.
Mas maraming pumapasok sa maritime workforce pero mas mabagal ang paglaki ng maritime industry. Ang resulta, mahigpit na screening system sa pag-aapply at ang mga may kakilala sa loob madalas inuuna.
Credibility.
Mapapansin natin na ang direktang naaapektuhan ng Backer System ay ang mga baguhan o wala pang experience sa pagbabarko.
Ito ay dahil hindi sila kilala ng mga manning agencies at wala silang record ng sea service experience. Sa madaling salita, you are a stranger to them at hindi sapat ang mga diploma, TOR, good moral certificates, at kahit anong papeles pa ang ipakita mo sa kanila.
Meron kasing iba na kung hindi nila kursunada ang sistema sa barko, maglalakas loob na gagawa ng gulo dahil wala naman sila koneksyon sa opisina at sa “maraming kumpanya jan” mentality.
Pero kung ikaw ay may sariling kumpanya, sino ang pipiliin mong ihire, yung kakilala ng Kapitan mo o yung nag-aapply na hindi mo kilala?
Accountability.
Pinipiling papasukin ng mga manning agencies ang mga nirereto ng crew nila dahil ang mismong crew nila na yun ang magsisilbing accountable or responsible sa mga aksyon ng kanilang pinapasok.
Kung magloloko si kadete, malalaman agad ito ni Backer at gagawin nya ang lahat para bumalik ang bait ng kanyang pinapasok kundi masisira ang kanilang…
Reputation
Isa ito sa inaalagaan ng mga Marino pagdating sa barko. Kung alam mo na Kapitan, Kamote, Tirso, Kwarto, Pedro o sino pa man ang nagpapasok sayo, gagawa kaba ng kalokohan sa barko lalo na kung maaayos ang record nila?
Syempre behave ka kasi pangalan ang nakataya. At kampante din si manning agency na di ka gagawa ng kalokohan dahil dito.
Loyalty
Kung ikaw naman ay marami nang naipasok na tropa o kamag-anak sa kumpanya mo, maglalakas loob ka pabang lumipat? Siyempre hindi diba.
Malaki ang utang na loob mo sa opisina kaya ang maisukli mo lang sa kanila ay ang magtrabaho ng maayos at ang iyong loyalty na hindi kana titingin pa sa ibang kumpanya.

Image: Indiamart.com
Tingnan din natin ang mga negatibong epekto ng Backer System.
Favorism
Oo tama ka, wala sa diksyunaryo ang salita na yan. Pero gusto ko lang gamitin dahil it fits perfectly. Ito’y mula sa salitang favor. Papaboran ang may kakilala kahit na alam mong mas qualified ka. Napaka-unfair diba? Ito ang pinakamalaking negative effect ng Backer System dito sa Pinas.
Hostage
Isa sa mga paraang ginagamit ng mga manning agencies upang mapanatili ang mga crew nila sa kumpanya ay ang Backer System.
Kung meron silang opisyal na ayaw nilang paalisin dahil sa kakulangan sa tao, maaaring gawin nilang “hostage” ang pinapapasok niyang kadete. Kung gusto ng lumipat ni Opisyal, maaaring pangakuan siya ng kumpanya na pasasampahin na nila si kadete basta’t sakyan nya rin ang susunod na kontrata.
Dynasty
Meron namang kumpanya na mga magkakamag-anak o magkakapamilya lang ang nakakapasok. Anong magagawa natin dito? Mostly wala dahil sila ang may-ari ng kumpanya. Sige balik nalang tayo sa Kalaw.
Lost Potentials
Marami sa mga aplikante na walang backer ngunit maruning dumiskarte at may potential na maging isang magaling na opisyal. Subalit kung wala silang kakilala, nasasayang lang ang mga talents at skills ng mga deserving na kadete.
Dependency
Dahil alam ni kadete na my backer siya, maaaring hindi na siya gaanong magsisikap sa pag-aaral.
May posibilidad din na lalaki ang kanyang ulo kahit nagsisimula pa siya sa pagbabarko lalo kung alam nyang mataas ang katungkulan ng kanyang backer sa kumpanya.
Under the Tables
May ibang masasamang loob naman na ginagawa itong negosyo. Yung tipong alam nila na kakapit sa patalim si kadete dahil sa gusto na niyang makasakay ngunit wala siyang backer.
Dito mo maririnig ang mga offers na trenta mil (o higit pa) sakay agad! Ngunit alam na natin ang mga naging resulta sa ilan sa mga ito.
Discouragement
At dahil ilang taon nang nag-aapply si Dudong Seaman ngunit hindi pa rin matanggap, tumigil nalang siya sa pagbabarko at nag-call center.
Dito nasasayang ang tatlong taon niyang paghihirap sa akademya. Frustrated din ang parents na gumastos ng malaki para mapaaral siya.
Paano Malulusutan ang Backer System
Posible pa ring makasakay ang mga kadete ng mas maaga na hindi na dadaan sa Backer System. Kahit zero experience pa siya, merong paraan para makasampa siya. Subalit ang paraang ito ay nangangailangan ng sakripisyo during the early days of his career.
Scholarships
Ito marahil ang pinakamagandang programa na binibigay ng mga eskwelahan at shipping agencies para sa mga aspiring cadets na nag-aaral pa.
Kung makapasok ka sa scholarship programs nila, kailangan mo lang mag-aral ng maigi upang di kana maghirap sa pag-aapply.
Passing Exams
Kung hindi ka naman makapasok sa scholarship programs, huwag mawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy ang pag-aaral dahil biglang may darating na mga shipping agencies na magpapa-exam upang makahanap ng mga deserving na kadete.
Kung ang grades mo ay pasok sa kanilang criteria, maaari kang makasali sa evaluation nila at kung maipasa mo ito, para ka naring nanalo sa lotto dahil tanggap kana agad!
Impressions
Kung ginawa mo na ang lahat at di ka parin nakapasok sa scholarships o nakapasa sa mga exams nila, ihanda mo na muna ang sarili mong mag-ikot sa Maynila para makahanap ng kumpanya. At sakaling mabigyan ka ng chansa para makapag-apply, dapat gumawa ka ng impression sa crewing manager.
Kailangan mong galingan ang exams lalo na sa interview kung saan dito masusukat ang iyong kaalaman at confidence. Kung mapahanga mo siya, mas malaki ang chansa na makapasok ka dahil ikaw ang unang papasok sa kanyang isip kung nangangailangan sia ng kadete. Siyempre bilib!
The Longer Route
Pero kung sa tingin mo hindi mo kaya ang mga naunang tips, wag matakot at may huli ka pang baraha. Pagka-graduate mo sa skwelahan, hanap ka agad ng mga domestic shipping agencies at sumakay ng isang taon.
Huwag kang magsayang na oras habang bata pa. Mahirap man doon sa interisland, kailangan malampasan mo ito. At syempre dapat mag-aral ka ng mabuti. Hingi ka ng mga reviewers mula sa mga kakilala mo para pagbaba, its either pupunta ka sa review center or diretso ka na sa MARINA at magfile ng schedule for licensure exam.
Kung hindi mo naipasa, rinse and repeat. Pero kung naipasa mo ito, bravo! Aktohan mo na sa interisland isa o dalawang beses tapos apply ka sa mga international shipping agencies. Malaking chansa mo na makapasok.
Laging tatandaan na ang mga shipping agencies lalo na ang mga principal nila ay palaging naghahanap ng talents at doon sila sa mga maritime schools pumupunta.
Kung plano mong kumuha ng career sa pagbabarko, magsikap kang mag-aral at huwag iasa sa tadhana o ibang tao ang iyong tagumpay kundi mas lalong sisikip ang Kalaw.
May the winds be in your favor.